Job 17:1-16 ASD

[1] “Malapit na akong mamatay; parang malalagot na ang hininga ko. Nakahanda na ang libingan para sa akin. [2] Napapaligiran ako ng mga mangungutya. Kitang-kita ko kung paano nila ako kutyain. [3] O Dios, tulungan nʼyo po ako na makalaya. Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin. [4] Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan para hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagan na magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin. [5] Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan para magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap ng kanyang mga anak. [6] “Ginawa akong katawa-tawa ng Dios sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko. [7] Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino. [8] Ang mga taong nag-iisip na sila ay matuwid ay nagtataka sa nangyaring ito sa akin. Akala nilaʼy masama ako at hindi makadios. [9] Para sa kanila ang matuwid ay matatag ang pamumuhay at lalo pang nagiging matatag. [10] Pero hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa. [11] Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad. [12] Pero sinasabi ng iba na baka sakaling maging mabuti rin ang kalagayan ko sa hinaharap, dahil sa kabila raw ng dilim ay may liwanag. [13] Ngunit kung ako man ay may pag-asa pa, doon ito sa lugar ng mga patay kung saan ako titira. At nais ko nang ilagay ang higaan ko sa madilim na lugar na iyon. [14] Ituturing kong ama ang libingan ko at ang mga uod ang siya kong ina at babaeng kapatid. [15] May pag-asa pa kaya ako? Sinong makapagsasabi na may pag-asa pa ako? [16] Kasama kong malilibing ang pag-asa ko. Magkakasama kami roon sa ilalim ng lupa.”

About this translation

Ang Salita ng Dios cover
Ang Salita ng Dios $5.99
Life Bible app icon
Get the Life Bible app Read offline, sync highlights and notes, and study with your library on any device.